Ang pagkakaroon ng komperensiya ay nangangailangan ng maraming sikap at organisasyon, at ang pinakahuling bagay na ayaw ninyong alalahanin pa ay kung maipapahatid ninyo ang inyong mensahe sa mga kinauukulan at maiintindihan nila ito ng malinaw at wasto. Kung gusto ninyo ng piling tagapagbigay ng kahulugan ng wika sa susunod ninyong pagdiriwang na may kinalaman sa negosyo, pagpupulong, kaganapan o seminar, tumawag lang sa amin. Makakapagbigay kami sa inyo ng tagapagbigay ng kahulugan ng iba’t-ibang klaseng wika na inyong kailangan. Matutulungan din namin kayo sa koordinasyon ng inyong komperensiya bago ito magsimula, habang kayo ay nag-ko-komperensiya at pagkatapos ng inyong kaganapan o komperensiya. Makakapagbigay din kami ng mga de-kalidad na gamit na kailangan ninyo kasama na ang mga buo o kalahating kubol.
MGA URI NG PAGBIBIGAY KAHULUGAN NG WIKA SA KOMPERENSIYASABAY-SABAY NA PAGBIBIGAY KAHULUGAN NG WIKAAng mga magkakasabay na tagapagbigay kahulugan ng wika ay naghahatid ng kani-kanilang salita o wika habang nagsasalita ang tagapagsalita, sa loob ng humigit-kumulang na 10 segundo pagkatapos na pagsasalita ng tagapagsalita. Ang tapagbigay kahulugan ng wika ay nakaupo sa isang kubol at may suot na headphones. Pinoproseso niya kung ano ang sinasabi ng tagapagsalita at ipinaparating niya ang eksaktong kahulugan ng mensahe sa pamamagitan ng pagsasalita sa isang mikropono. Ang uri ng pagbibigay kahulugan ng wikang ito ay kadalasang ginagamit sa mga malalaking pagtitipon, komperensiya at mga palabas o programa.
PAGBIBIGAY KAHULUGAN NG WIKA NA PABULONGSa halip na gumamit ng isang headset o mikropono, ang isang tagapagbigay kahulugan ng wika ay umuupo sa tabi ng kliyente o grupo ng kliyente at mahinang nagsasalita o pabulong na ipinaparating ang mensahe sa kliyente gamit ang wika ng kliyente. Ang istilong ito ng pagbibigay kahulugan ay maaaring gamitin, halimbawa, sa isang silid ng hukuman kung saan ang isang tao ay nangangailangan ng tagapagbigay ng kahulugan ng wika upang makatiyak na ang lahat ng mga palitan ng legal na pag-uusap ay nauunawaan. MAGKAKASUNOD NA PAGBIBIGAY KAHULUGAN NG WIKAIsa itong pabalik-balik na istilo ng pagbibigay kahulugan, kung saan ang tagapagsalita ay humihinto pagkatapos ng ilang minuto upang magkaroon ng pagkakataon ang tagapagbigay kahulugan ng wika na maihatid ang mensahe sa wika ng kliyente. Ang mga iba ibang tagapagsalita ay maaaring magpalit-palitan ng pagsasalita at bigyang kahulugan ang kanilang mga sinasabi. Ang magkakasunod na pagbibigay kahulugan ay madalas na ginagamit sa korte o sa mga maliliit na pagtitipon ng mga kalakal.
Ang KP International Translators ay nagbibigay ng lahat ng uri ng pagbibigay kahulugan ng wika at maaaring mamili kung ang gustong gamitin ay harap-harapan, sa pamamagitan ng telepono o video.Miyembro kami ng Perth Convention Bureau (PCB) at ng Australasian Association of Language Companies (AALC) at nagbibigay kami ng diskuwento o bawas sa presyo sa lahat ng aming mga miyembro. Magtanong lang po kayo sa pamamagitan ng aming enquiry form para sa mga karagdagang impormasyon o tawagan ninyo kami upang makausap ninyo ang isa sa mga miyembro ng aming grupo tungkol sa aming mga serbisyo.