Tapos na ang mga araw ng trabahong pagbibigay kahulugan ng wika na magastos at mahal na kung
saan nangangailangan pang mag biyahe ng isang lingguwista ng tatlong oras para lamang sa isang
oras na trabaho, o kaya naman ay magbayad ang isang kumpanya ng malaking halaga para sa
trabaho na hindi naman nauugnay sa pagbibigay kahulugan ng wika.
Ang “on-demand” na pagbibigay kahulugan ng wika sa pamamagitan ng telepono ay isang paraan
upang ang mga gumagamit nito ay makakunekta sa isang kwalipikado at propesyonal na
tagapagbigay kahulugan ng wika sa loob ng ilang segundo at hindi na kinakailangan pang humingi ng
appointment o tipanan.
Ang makabagong pamamaraang ito ay mas mura kaysa tradisyunal na pamamaraan na kung saan ay
pumupunta pa ang tagapagbigay kahulugan ng wika sa isang lugar at mas kaunting oras lamang ng
pag-iiskedyul at pag-uugnay ang kailangan. Hindi kayo nakatali sa kontrata pag nag sign-up kayo at
ang babayaran lang ninyo ay ang mga tawag na ginawa ninyo. Maaari ninyong subaybayan ang
inyong mga pagbabayad sa inyong “online account” at pwede rin kayong kumuha ng detalyadong
ulat ng inyong pag gamit upang makatulong sa inyo sa pagbabaybay ng inyong mga gastos.
Pwede ninyong tingnan ang paggamit ninyo ng app at ang inyong mga pagbabayad sa inyong “online
account,” at kung kayo ay may mga katanungan o problema ang aming opisina ay nakahandang
sumuporta sa inyo 24/7. Nagbibigay din kami ng kagamitan at edukasyon o pagsasanay na pang
isahan o pang maramihan kung kinakailangan.
Ang InterpretManager ay nagbibigay pa rin sa inyo ng pagkakataon o ng kalayaang makapag
iskedyul ng inyong sariling appointment o tipanan na makakuha ng tagapagbigay kahulugan ng wika.
Ang maagang pagkuha ng appointment o tipanan ay makakapagbigay ng sapat na oras para sa
preparasyon at ang pagpili naman ng “on demand” ay makakapagbigay ng katipiran sa oras. Alin
man ang piliin ninyo sa dalawa – “on demand” o maagang pag iskedyul ng appointment – pareho
silang mas mura kaysa kung saan pumupunta ang tagapagbigay kahulugan ng wika sa lugar ng
trabaho.