Ang pagpunta sa nakatakda at pinagkasunduang lugar ay ang pinaka-tradisyonal na uri ng pagbibigay kahulugan ng wika. Kung minsan, mas madali at mas eksakto kapag nakikita ang mga pahiwatig at pagkilos ng tao, lalo na sa mga industriya ng legal at medikal. Kung nangangailangan kayo ng isang tagapagbigay kahulugan ng wika sa isang takdang lugar, tawagan lang kami at ang isa sa aming mga dalubhasang lingguwista na akreditado ng NAATI ay handang tumulong upang ang inyong proyekto, pagdiriwang, tipanan o sitwasyon ay maging maayos.Kung alam ninyo na mangangailangan kayo ng isang tagapagbigay kahulugan ng wika sa hinaharap, maaari kayong humingi ng reserbasyon sa amin sa pamamagitan ng aming website, social media, email o telepono. Ginagarantiyahan namin na ang aming presyo ay makatuwiran at ang organisadong trabaho ay makukumpleto ayon sa isang mataas na pamantayan.