Upang masiguro namin na ang aming mga serbisyo ay hanggang sa pamantayan, meron kaming mahuhusay na mga tagapagbigay kahulugan at tagapagsalin ng wika na kinikilala ng NAATI. Ang sertipikasyon ng NAATI (National Accreditation Authority for Translators and Interpreters) ang nagtatakda ng pamantayan para sa mga tagapagbigay kahulugan at tagapagsalin ng wika sa pamamagitan ng iba’t ibang pagsusuri.
Mahigpit na ipinatutupad sa aming mga lingguwista ang pagiging kompidensiyal ng mga hinahawakan nilang mga kaso o kliyente. Sumailalim sila sa malawak na pagsasanay, propesyonal na pagdadalubhasa at masusing pagsusuri ng kwalipikasyon para masiguro namin na ang aming mga serbisyo ay kontrolado at hindi nagbabago.
Ipinagmamalaki namin na kami ay nakapagbibigay ng namumukod tangi at maaasahang serbisyo sa aming mga kliyente at sa kahit na anong trabaho na naaayon sa Australian Institute of Interpreters and Translators (AUSIT) Code of Ethics (Mga Alituntunin ng Etika na itinalaga ng Australian Institute of Interpreters and Translators). Ang aming mga lingguwista ay may malawak na karanasan at sila ay mga dalubhasa kaya’t ang pagbibigay kahulugan at pagsasalin nila ng wika ay laging tama o tumpak.
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga lingguwista at ng kanilang mga kwalipikasyon , mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa amin.